^

Metro

‘Nepotism’ sa DPWH hiling siyasatin

-
Nanawagan ang mga kontratista kay Public Works Secretary Hermogenes Ebdane na imbestigahan ang umano’y ‘nepotismo’ sa DPWH-NCR kaugnay ng mga isinasagawang public bidding.

Sa kanilang pagpupulong, sinabi ng grupo ng mga kontratista na tila binabalewala umano sila ni DPWH-NCR Director  Josefino Rigor sa mga bidding ng mga pampublikong  infrastructure projects kung saan pinapaboran din nito ang pagsali ng Chiara at Shen Construction sa transaksiyon sa DPWH-NCR. Ang Chiara  Construction ay pag-aari ng isang Efren Rigor na kapatid ni Director Rigor samantalang ang Shen Construction naman ay pagmamay-ari ni Shieren John Rigor.

Nabatid na palaging sumasali sa subasta ang dalawang construction companies kung saan ginagamit ng mga ito ang pangalan ni Director Rigor upang makakuha ng mula .5 hanggang 1 porsiyento sa bid price ng winning contractor.

Sinabi ng mga kontratista na pinababayaan na lamang ni Director Rigor na sumali ang kanyang mga kamag-anak  sa bidding na nananakot na magsusumbong pa sa opisyal kung hindi papayag sa kanilang gusto.

Bukod dito, hiniling din ng mga kontratista na magpaliwanag si Prequalification Bids and Awards Committee chief Emerson Benitez kung paano nabigyan ng lisensiya mangontrata ang Chiara at Shen Construction samantalang  karamihan sa mga kompanya ay pag-aari ng kapatid at pamangkin ni Director Rigor.

Matatandaan na mahigpit na ipinagbabawal sa batas na hindi maaaring sumali sa anumang bidding ang kamag-anak ng government official hanggang sa ikatlong degree. (Doris Franche)

ANG CHIARA

CHIARA

DIRECTOR RIGOR

DORIS FRANCHE

EFREN RIGOR

EMERSON BENITEZ

JOSEFINO RIGOR

PREQUALIFICATION BIDS AND AWARDS COMMITTEE

SHEN CONSTRUCTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with