Ayon sa ulat, dakong alas-12:48 ng hapon nang ang flight 6K-678, 4-engine propeller type ng eroplano na may registry No. RPC 2915 ay makaranas ng pagkasira sa isa sa makina nito habang nasa himpapawid.
Habang nasa kalagitnaan, may 30 milya ang layo mula sa NAIA, kaagad na rumadyo si Pilot Captain Dennis Sison at co-pilot na si Capt. Alejandro Sundiam Jr. sa Manila Control Tower para humiling ng emergency landing.
Matagumpay naman ang isinagawang emergency landing at walang iniulat na nasugatan sa mga sakay nito.
Napag-alaman na ang nasabing domestic flight ay nagmula sa Caticlan at patungong Maynila nang masiraan.
Mabilis namang umamtabay ang mga tauhan ng Airport Ground Operations Division, Rescue and Fire Division at Safety Section para tiyakin na maayos at ligtas ang isasagawang paglapag ng nabanggit na eroplano. (Butch Quejada)