Kampana ng simbahan, ninakaw
November 10, 2006 | 12:00am
Tinangay ng apat na kawatan, isa rito ang naaresto, ang antigong kampana ng simbahan ng San Isidro Labrador, Malinta sa Valenzuela City saka ibinenta sa murang halaga sa isang junkshop sa nasabing lungsod.
Nakilala ang nadakip na suspect na si Jonadhyl Degelia, 20.
Pinaghahanap naman ang tatlong kasamahan nito na nakilalang sina Bernard Morelos; isang alyas Nonoy at isang alyas Nognog.
Nahaharap naman sa kasong anti-fencing si Winnie Abanto, may-ari ng junkshop sa may Mc Arthur Highway na siyang bumili sa nakaw na kampana.
Ang antigong kampana ay tumitimbang ng 30 kilos.
Isang testigo ang lumutang sa pulisya na sinasabing napagtanungan ni Morelos kung saang junkshop ang bukas ng 24-oras na maaari nilang mapagbentahan ng kampana.
Sa isinagawang follow-up operation, agad na naaresto si Degelia na mabilis na umamin sa kaso at saka itinuro kung saan nila ibinenta sa halagang P2,500 ang kampana. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended