Kasabay nito, inilabas na rin ng pulisya ang cartographic sketch ng suspect.
Ang suspect ay tinatayang nasa gulang na 22, may taas na 57, balingkinitan ang katawan, maputi, may hikaw sa kaliwang tainga. Sinasabing miyembro ito ng isang dance group ng ABS-CBN. Hindi pa nagbigay ng iba pang detalye ang pulisya ukol dito, habang isinasagawa pa ang masusing imbestigasyon.
Nabatid na ang artist sketch ay batay na rin sa testimonya ng isang jeepney driver na nakipag-ugnayan sa pamilya ng biktimang si Joselito "Joel" Siervo, 38.
Lumilitaw sa testimonya ng saksi na papauwi na siya nang madaanan at makita niya ang biktima na pinapagalitan ang suspect na nakasuot ng bullcap at nagtatalo hanggang sa sumakay sa isang kulay gray na kotse.
Kinabukasan, nagulat na lamang umano ang saksi nang mapanood sa TV ang sinapit ni Siervo kung kayat agad siyang nakipag-ugnayan sa pamilya nito.
Magugunitang 12 saksak sa katawan ang tinamo ng biktima na natagpuang walang saplot sa katawan at nakahandusay sa kanyang kama.
Patuloy naman ang isinasagawang follow-operation ng pulisya ukol dito.