Double dead na karne nagkalat sa Maynila
November 9, 2006 | 12:00am
Nagbabala kahapon sa publiko ang Manila Police District (MF) na mag-ingat sa pagbili ng karne dahil sa nagkalat na double dead meat sa mga pamilihan partikular na sa Divisoria.
Itoy matapos na makakumpiska ang mga tauhan ng MPD-District Intelligence and Investigation Division (DIID) ng tinatayang 680 kilo ng double dead na karne na nagkakahalaga ng P360,000.
Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang pulisya kasama ang mga kinatawan ng Veterinary Inspection Board dakong alas- 11 kamakalawa ng gabi sa panulukan ng CM Rector Avenue at Ilaya Sts. sa Divisoria.
Naareso sa nasabing operasyon ang mga tindero na sina Noel Espineda, 34; Arturo Natividad, 24 at Marvin Ayo, 26.
Ikinanta ng mga nadakip na tindero ang isang PO2 Raymond Orpiana na nakatalaga sa NCRPO na siya nilang protektor sa ilegal na gawain.
Kinumpirma naman ni DR. Bong de Jesusu ng VIB na mga double dead na karne ang nakumpiska. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended