^

Metro

Pamilya ng dinukot na Tsinoy, nanahimik na

-
Hindi na makita o makontak ang may-bahay ng isang negosyanteng Tsinoy na dinukot ng mga armadong kalalakihan nitong Nobyembre 4 sa Brgy. Santolan, Malabon City pagpapakita lamang na tumanggi nang makipagtulungan ang mga ito sa pulisya.

Ayon kay Supt. Wilfredo Ramos, OIC ng Malabon City Police, ilang beses na niyang pinahanap si Gng. Jovita Co, asawa ng dinukot na si Carlos Co, 56 ,pero hindi na ito makita. Inamin ni Ramos na nahihirapan ang kanyang mga tauhan na resolbahin ang kaso matapos na hindi na nga makipag-ugnayan sa kanila ang pamilya ng biktima.

Si Gng. Co ang huling nakausap ng mga abductors gamit ng mga huli ang cellphone ng dinukot na mister ng una. Kinumpirma ni Gng. Co na humihingi ng ransom money ang mga kidnappers kapalit ng kalayaan ng kanyang asawa subalit hindi nagbigay kung magkanong halaga.

Una namang nagpahayag si Gng, Co na posibleng may kinalaman din sa negosyo ang ginawang pagdukot sa kanyang mister bagaman hindi inaalis ng pulisya na kidnap-for-ransom gang ang responsable sa pagdukot sa negosyante na karaniwang umaatake kapag malapit na ang Pasko. (Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

BRGY

CARLOS CO

ELLEN FERNANDO

GNG

JOVITA CO

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

SI GNG

WILFREDO RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with