^

Metro

Ama ng star witness sa Ralph Ruñez slay itinumba

-
Matapos na mabaril at mapatay ang isang suspect sa pagpaslang sa cameraman ng RPN-9 na si Ralph Ruñez sa loob ng Caloocan City Jail nitong nagdaang buwan, isinunod namang patayin ang ama ng state witness sa nasabing kaso ng dalawang lalaki kahapon ng umaga sa Tala, nasabing lungsod.

Sabog ang bungo at nagkalat ang utak ng biktima na si Celerino Galarce, 47, may-asawa, tricycle driver, ng Barrio Sto. Cristo, Tala nang pagbabarilin sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ng dalawang suspect sakay ng isang asul na motorsiklo.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8 ng umaga habang nagsasakay ng pasahero ang biktima sa kanyang tricycle sa may Admin Site nang harangin ng isang suspect habang nagsilbing look-out ang isa pa at saka malapitang pinagbabaril sa ulo at katawan ito. Isang batang estudyante naman na sakay nito ang himalang hindi tinamaan ng bala. Narekober ng pulisya ang 10 basyo ng .38 kalibreng baril sa pinangyarihan.

Bago ang insidente, nabatid na nakatatanggap na ng death threats ang pamilya Galarce kabilang ang misis ng testigo na si Ligaya.

Ayon kay Supt. Nap Cuaton, deputy chief of police ng Caloocan na paghihiganti ang tinitingnan nilang motibo sa pagpatay sa ama ng testigong si Charles Galarce, 22, na nasa pangangalaga ngayon ng pulisya matapos na ituro nito ang utak at mga suspect na nangholdap at pumatay kay Ruñez noong Hulyo 28, 2006. Si Charles (Galarce) ay ang self-confessed killer ni Ruñez, 35, na siyang nagturo sa mga kasamahan nito at utak sa krimen na sina Insp. Bryan Limbo, PO3 Aristotle de Guzman, pawang nakatalaga sa Caloocan City Police SubStaton 3 at Ernani Magnayon, na pinaslang kamakailan sa loob ng jail ng isang jail officer matapos na magpamasahe ang huli.

Sinabi ni Galarce na nagsisilbi ngayong star witness sa Ruñez-slay na posibleng ang kanyang pamilya ang pinagdiskitahan ng kanyang mga kalaban at gustong pumatay sa kanya dahil sa hindi na siya makita matapos na kanlungin na ng pulisya habang nagpapatuloy ang pagdinig sa kaso. Si Magnayon naman ay aksidente umanong nabaril sa loob ng jail noong Oktubre 7 kung saan nakapiit din sina Limbo at de Guzman isang araw bago siya nakatakdang humarap sa korte upang idiin ang kanyang mga kasamahan sa krimen. Lumabas sa imbestigasyon na sinadya na barilin si Magnayon. (Ellen Fernando)

ADMIN SITE

BARRIO STO

BRYAN LIMBO

CALOOCAN CITY JAIL

CALOOCAN CITY POLICE

CELERINO GALARCE

CHARLES GALARCE

ELLEN FERNANDO

GALARCE

RU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with