^

Metro

Taxi driver hinoldap na, pinatay pa

-
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 45-anyos na taxi driver makaraang holdapin ito ng tatlong kalalakihan na sumakay sa kanya, kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Limang saksak sa katawan ang tinamo ng biktimang si Juan dela Rosa, ng Phase IV Bagong Nayon II, Cogeo, Antipolo City.

Samantala, naaresto naman ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang follow-up operation ang isa sa mga suspect na nakilalang si Raymond Ocampo, 18, ng Brgy. East Rembo, Makati City, habang pinaghahanap pa ang dalawa nitong kasamahan.

Ayon kay Supt. Gilbert Cruz, hepe ng Makati Police na naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw nang sumakay ang mga suspect sa minamanehong kulay puting taxi ng biktima na may plakang PXH-134 sa kahabaan ng C-5 Road sa Brgy. East Rembo.

Nabatid na nagpanggap na mga pasahero ang mga suspect at pagdating sa madilim na lugar ay doon nagdeklara ng holdap.

Sa kabila na nakuha na ng mga ito ang pakay ay pinagsasaksak pa rin ng mga suspect ang biktima na nagawa pang makalabas sa taxi subalit hindi na rin nakaligtas sa kamatayan.

Mabilis na tumakas ang mga suspect pero lingid sa kanilang kaalaman isang saksi ang nakakita sa insidente na siyang nagbigay impormasyon sa pulisya at naging daan sa pagkakaaresto sa isa sa mga ito. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BAGONG NAYON

BRGY

EAST REMBO

EDWIN BALASA

GILBERT CRUZ

MAKATI CITY

MAKATI POLICE

RAYMOND OCAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with