^

Metro

Jueteng collector niratrat, patay

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang lalaki habang nangongolekta umano ng jueteng, kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Dead-on-arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Cel Mel Gonzales, 22, ng Int. 258 Dulong Hernandez St., ng nasabing lungsod. Lumalabas sa imbestigasyon ng Malabon police na bandang alas-8:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Dulong Hernandez St. Kasalukuyan umanong nangongolekta ng taya sa jueteng ang biktima nang bigla na lamang itong lapitan ng hindi nakikilalang suspect at pagbabarilin sa hindi malamang dahilan. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang di-nakilalang suspect dala ang baril na ginamit sa pamamaslang. Patuloy namang inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ng biktima ang naganap na pamamaril. (Gemma Amargo-Garcia)
3 holdaper timbog
Tatlong holdaper ang naaresto ng mga barangay tanod sa panghoholdap sa isang 21-anyos na binata, kahapon ng madaling-araw sa Sta. Ana, Maynila. Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina John Calbente, 18, ng Oro St., San Andres Bukid; Al Tienza, 18; at Nonoy Adsorol, pawang residente ng Sta. Ana. Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang insidente habang naglalakad umano ang biktimang si Aldrin Villanueva pauwi sa kanilang bahay sa #2465 Lieva St., Sta. Ana nang bigla na lamang salubungin ng mga suspect. Kaagad umanong kinuha ng mga suspect ang Nokia 1600 ng biktima at saka umalis na parang walang nangyari. Mabilis namang nagreklamo ang biktima sa mga barangay tanod at kaagad na tinungo ang lugar na pinangyarihan ng insidente at natiyempuhan ang mga suspect sa nasabing lugar na hindi pa nakakaalis. Narekober ng pulisya mula sa mga suspect ang cellphone ng biktima at ang patalim na ginamit ng mga ito sa panghoholdap. Kaagad namang sinampahan ng kasong robbery-hold-up sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspect. (Gemma Amargo-Garcia)
Karpintero patay sa kapwa karpintero
Pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang karpintero ang kapwa nito karpintero matapos magkapikunan, kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Tadtad ng taga sa katawan ang tinamo ng biktimang si Rolly Bibay, 33, residente ng Luisito St., Brgy. Gulod, Novaliches, QC. Samantala, isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa suspect na si Darwin Aniban, 35. Sa inisyal na ulat ni PO2 Leo Nino Pasco ng QCPD-Criminal Investigation Division (CID), nangyari ang insidente bandang alas-11 ng gabi sa nasabing lugar. Ayon sa live-in partner ni Bibay na si Emilia Sedeliaga, una niyang nakitang naghahabulan ang biktima at suspect ngunit binalewala niya ito sa pag-aakalang nagbibiruan lamang. Nagulat na lamang siya nang malamang duguang humandusay si Bibay at puro taga sa katawan habang mabilis namang nakatakas ang suspect na si Aniban. Lumilitaw sa cursory examination na nagtamo ng maraming taga sa katawan ang biktima kung saan narekober din sa crime scene ang isang kitchen knife na sinasabing ginamit ng suspect. Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad upang maaresto ang suspect at malaman na rin ang pinagmulan ng alitan ng dalawa. (Doris M. Franche)

AL TIENZA

ALDRIN VILLANUEVA

BIBAY

BIKTIMA

CEL MEL GONZALES

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

GEMMA AMARGO-GARCIA

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with