^

Metro

Lalaking sinimento sa drum, kinilala

-
Kinilala na ng kanyang mga kaanak ang bangkay ng lalaki na sinimento sa loob ng isang drum at natagpuan sa Pasig River sa Sta. Mesa, Maynila kamakailan.

Sinabi ni Chief Ins. Alejandro Yanquiling ng Manila Police District homicide division, naniniwala umano si Eliza Bataller, 44, ng Caloocan City na ang kapatid niyang si Rolando Durado, 37, ang nasa loob ng drum.

Sinasabing noon pang taong 2001 nawawala si Durado kung saan bago ito naglaho ay nagtungo pa sa bahay ang kalaguyo ng biktima para paalalahanan ito na mayroong nagbabanta sa kanyang buhay.

Huling nakita ang biktima na nakasuot pa ng pang-basketball na short na kulay pula. Naniniwala si Bataller na pinatay ang kanyang kapatid dahil umano ayaw ng mga magulang ng kalaguyo nito sa biktima.

Magugunitang natagpuan ang drum na may semento sa tabi ng ilog Pasig sa Sta. Mesa kamakailan habang ang ulo nito ay isa nang kalansay. Nang bakbakin ang semento ay doon nakita ang kulay pulang short na pang-basketball ng biktima. Gayunman, sinabi ng pulisya na ang kaanak ni Durado ang pangatlo nang umaangkin sa bangkay kaya patuloy pa rin ang isinasagawang DNA test dito. (Gemma Garcia)

ALEJANDRO YANQUILING

BATALLER

CALOOCAN CITY

CHIEF INS

DURADO

ELIZA BATALLER

GEMMA GARCIA

MANILA POLICE DISTRICT

PASIG RIVER

ROLANDO DURADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with