Lady exec pinaslang sa condo
November 4, 2006 | 12:00am
Pinatay sa pamamagitan ng pagsakal ng punda ng unan ang isang 32-anyos na lady executive sa loob ng kanyang tinitirahang condominium unit sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na natagpuang nakabulagta sa sahig ng kanyang tinitirahang condo na E.G. Lantine Unit 204-B na matatagpuan sa 209 Sierra Madre St., Brgy. Highway Hills ng lungsod na ito ay nakilalang si Donnabel Tolentino, assistant vice president ng Media Advertisement ng MGM Advertising Company.
Ayon kay Supt. Ericson Velasquez, hepe ng Mandaluyong police, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas- 8:40 ng gabi matapos na bisitahin ito ng kanyang mga ka-opisina dahil hindi ito pumasok sa trabaho ng araw na iyon at hindi man lang sumasagot sa mga tawag sa kanyang cellphone.
Subalit laking gulat nila nang tumambad ang bangkay ng biktima nang pagpasok nila sa condo unit nito na walang pang-ibabang kasuotan at nakasakal pa ang punda ng unan na ginamit ng suspect sa pagpatay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na maayos ang loob ng condo unit ng biktima at walang puwersahang pagpasok ang naganap.
Lumalabas din na bago ang pagkakatuklas sa bangkay ng biktima ay may anim na oras na itong patay at posibleng kakilala nito ang siyang gumawa ng krimen.
Lumalabas din sa ginawang imbestigasyon na mayroon umanong masugid na manliligaw ang biktima subalit sa tuwing nagpupunta ito sa opisina ay lagi nitong pinagtataguan. Subalit upang makatiyak ay nakatakdang imbestigahan ng pulisya ang nasabing lalaki na hindi muna binanggit ang pangalan upang malaman kung may kaugnayan ito sa pagpaslang.
Sa kasalukuyan ay dinala ang bangkay ng biktima sa PNP Crime laboratory upang sumailalim sa awtopsiya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended