6 timbog sa shabu
November 3, 2006 | 12:00am
Anim na kalalakihan ang dinakip ng mga kagawad ng pulisya makaraang maaktuhan ang mga itong gumagamit ng shabu sa isang bahay sa loob ng binuwag na shabu tiangge kamakalawa sa Pasig City.
Kinilala ang mga naarestong suspect na sina Edwin Flores, 28; Alfredo Quijano, 38,; Armado Marvela, 32; Ramil Robino, 34; Arturo Enriquez, 36; at Roel Santos, 24, pawang mga residente ng nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat ni P01 Elmer Maceda, dakong alas-7 ng gabi nang dakpin ng mga awtoridad ang anim na suspect sa bahay ni Flores sa Mapayapa Compound Brgy., Sto. Tomas ng nasabing lungsod.
Nabatid na isang tawag sa telepono ang natanggap ng Police Community Precinct (PCP 22) mula sa isang concerned citizen hinggil sa umanoy paggamit at pagbebenta ng shabu sa bahay ni Flores.
Matapos na mag-positibo ang ginawang surveillance operation ng Special Drug Enforcement Unit (SDEU) ay nilusob ng mga awtoridad ang bahay ni Flores at naaktuhan ang suspek habang nagsasagawa ng pot session.
Nakuha sa mga suspect ang 1 heated plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at 3 sachet na wala ng laman, 3 gamit na aluminum foil at isang rolyo pa nito.
Ang mga suspect ay kasalukuyang nasa Pasig Police detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended