^

Metro

Dapat malaman sa sakit na sepsis

-
Ano nga ba ang sepsis?

Ang sepsis ayon kay Dr. Eric Tayag, chief ng Department of Health-National Epidemiology Center (DOH-NEC) ay isang "overwhelming infection" o mga bacteria na umiikot sa dugo sa loob ng katawan ng tao na habang patuloy silang dumarami hanggang sa ma-invade nila ang mga parte ng katawan ng tao kaya’t tinatawag din itong bacterimia.

Sinabi pa ni Dr. Tayag na ang sepsis ay maaaring makuha sa pamamagitan ng community-acquired at hospital-acquired.

Ang community-acquired sepsis ay mahirap umanong ma-detect maliban kung lumabas na ang mga sintomas nito samantalang ang hospital-acquired ay nanggagaling mula sa ospital dahil sa mayroon umanong sariling population ang bacteria dito kaya’t sa sandaling magkaroon ng pagkakamali sa basic procedures ang isang ospital ay maaaring makuha ng pasyente ang sakit na ito. Maaari ring maisalin ang sepsis sa pamamagitan ng hand to hand transfer, blood transfusion at sa maruming mga kuko.

Inihalimbawa rin ni Tayag ang isang uri ng sepsis na maaaring makuha ng mga bagong-silang na sanggol o ang newborn sepsis tulad ng nangyari sa pitong sanggol na namatay sa Rizal Medical Center.

Nilinaw din nito na ang meningococcemia ay isa ring uri ng sepsis. Ang pag-aawtopsiya lamang sa bangkay ng hinihinalang nagtataglay ng sepsis at pag-review sa record ng pasyente ang mga paraan upang matukoy ang nasabing sakit. Lumalabas naman sa record ng NEC na noong 2002, mayroong 3,693 o 4.6 per 100,000 population (all ages) ang namatay dahil sa sakit na sepsis. (Gemma Amargo-Garcia)

ANO

DR. ERIC TAYAG

DR. TAYAG

GEMMA AMARGO-GARCIA

INIHALIMBAWA

LUMALABAS

MAAARI

RIZAL MEDICAL CENTER

SEPSIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with