^

Metro

2 manggagantsong Liberian, tiklo

-
Dalawang Liberian national na pinaniniwalaang miyembro ng isang swindling syndicate ang dinakip ng pulisya sa isang entrapment operation matapos umano nilang hingan ang isang negosyanteng Korean ng mahigit sa P.4 million kapalit ng isang uri ng likidong kemikal na kapag aniya ibinuhos sa papel ay magiging dolyar, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police at nahaharap sa kasong estata ang mga suspect na nakilalang sina Turansco Davis, 23; at Collins Cholly, kapwa pansamantalang nanunuluyan sa El Cielito Inn sa kahabaan ng Pasay Road, Makati City.

Kinilala naman ang naging biktima na si Kim Jung Yoon.

Ayon kay Sr. Insp. Alejandro Alisangco, nabatid na may kaibigan ang biktima na isa ring Koreano na siyang nagpakilala sa mga suspect. Nakipagtransaksiyon ang biktima sa halagang P420,000 kapalit ng isang likido na kapag ipinatak sa papel ay magiging perang dolyar ito.

Nabatid na naganap ang unang transaksiyon noong Okt. 27, 2006 sa may Malate, Manila kung saan nagbigay ng paunang bayad ang biktima sa mga suspect ng P100,000. Ang sumunod na bayaran ay naganap sa may Petron gasoline station sa Buendia Ave., Makati City.

Dakong alas-10 ng gabi sa tinutuluyang hotel ng mga suspect isinagawa ang ikatlong transaksiyon kung saan na nagsagawa ng entrapment operation ang mga kagawad ng Makati City Police sa pamamagitan ng budol money.

Kaagad na dinakma ng mga pulis ang dalawang Liberian at dinala sa Makati City Police Headquarters. (Lordeth Bonilla)

ALEJANDRO ALISANGCO

BUENDIA AVE

COLLINS CHOLLY

DALAWANG LIBERIAN

EL CIELITO INN

KIM JUNG YOON

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI CITY POLICE HEADQUARTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with