Pinatay na jeepney driver nagmumulto!
November 1, 2006 | 12:00am
Dahil hanggang sa ngayon ay mailap pa rin ang katarungan kayat nagpapakita umano sa kanyang mga kamag-anak ang jeepney driver na binaril at napatay ng assistant ni Manila Mayor Lito Atienza kamakailan.
Sinabi ng pamilya Luriz na nagpakita sa kanya ang kanyang anak na si Aries Luriz ng Dagupan, Tondo na tumatangis at humihingi ng katarungan habang nasa loob ng kanilang bahay.
Si Aries Luriz ay binaril at napatay ni Noli Sugay, 59, noong Hulyo 12, 2006 sa loob mismo ng minamaneho nitong jeepney na nakaparada sa harapan ng bahay nito.
"Usad pagong kasi ang kasong isinampa namin laban kay Sugay, ito marahil ang nais na iparamdam ni Aries sa amin," pahayag ni Gng. Rosario Luriz.
Gayundin ang nararamdaman ng lima pang kapatid nito na sina Alex, Allan, Anthony, Arnold at Liza na nagsabing madalas daw magpakita sa kanilang mga panaginip ang kanilang napatay na kapatid.
"Gusto niyang ipaalala sa amin na huwag kaming bibitaw sa kaso para makamit namin ang katarungan," wika ni Liza.
Nabatid na nag-aalala rin ang pamilya Luriz sa lagay ng kanilang kaso dahil sa dalawang beses nang hindi dumadalo ang kanilang legal counsel na si Atty William Merquino.
Kahapon, nag-vigil ang buong pamilya Luriz sa kinalalagyang nitso nito sa Manila North Cemetery. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am