Lalaki itinumba sa bilyaran
November 1, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang 31-anyos na lalaki matapos na barilin ng isang itinuturong kilabot na drug pusher dahil sa hinalang may kinalaman sa droga sa isang bilyaran sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril sa katawan na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan ang biktimang si Manuel Mendoza, alyas Balayman, tubong Maguindanao at residente ng Purok 2, Isla Puting Bato, Tondo.
Ginagamot naman sa Gat Andres Bonifacio Hospital sanhi ng tinamong tama sa katawan ang nakaistambay lamang na si Salvador Simudio, 25. Pinaghahanap ang suspect na nakilala lamang sa alyas na Jeck, isang umanoy kilabot na tulak ng droga sa lugar.
Ayon sa ulat, naganap ang krimen dakong alas-11:30 ng gabi sa loob ng bilyaran sa Purok 2, Isla Puting Bato.
Nabatid na nanonood lamang ng bilyar ang mga biktima nang dumating ang suspect at kinompronta si Mendoza. Ilang sandali pa ay umalis ang suspect at sa pagbalik ay armado na ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima. Tinamaan ng ligaw na bala ang katabing si Simudio.
Napag-alaman sa ilang residente na isang linggo pa lamang si Mendoza na naninirahan sa lugar, habang ang suspect ay kilalang kilabot na tulak kaya posibleng onsehan o kaya naman ay napagkamalang informer si Mendoza na siyang dahilan ng pamamaslang. Patuloy naman ang isinasagawang paghahanap sa nasabing salarin. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended