Courier ng drug syndicate, timbog sa airport
October 31, 2006 | 12:00am
Isang departing domestic passenger na pinaniniwalaang courier ng Zamboanga based drug syndicate ang nadakip ng airport security personnel sa Old Manila Domestic Airport nang tangkain nitong ipuslit ang may kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon.
Sa ulat na tinanggap ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Alfonso Cusi nakilala ang suspect na si Nuraisa Allmodin Abtahi, 33, tubong Sta. Barbara, Zamboanga City.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-12 ng tanghali ng masakote ang suspect habang pumapasailalim sa initial security check ng departure area ng Old MDA terminal sa Pasay City.
Napansin ng mga awtoridad sa airport ang kakaibang kulay ng imaheng tumambad sa tv monitor ng x-ray machine na nakapaloob sa kulay berdeng trolley bag ni Abtahi.
Nabatid na nakatakda na sanang sumakay ng Cebu Pacific Airlines flight 5J-851 patungong Zamboanga ang suspect nang masabat ng mga nakaalertong tauhan ng PNP-ASG.
Sa isinagawang manual examination, natuklasang kalahating kilo ng shabu na nakapakete sa 10 plastic sachet ang nadiskubreng itinago sa tinahing bulsa sa gilid ng trolley bag.
Nangatuwiran naman ang suspect na hindi sa kanya ang kontrabando at sinabing ipinakiusap lamang ito ng taong hindi niya kinilala sa mga awtoridad. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am