^

Metro

Probe vs kamag-anak ng DPWH official na sumali sa bidding

-
Kinukuwestiyon ng mga kontratista sa Department of Public Works and Highways ang paglahok sa public bidding ng pampublikong kawaning pangkalsada ng diumano’y kapatid at pamangking buo ni DPWH- NCR Director Josefino Rigor.

Sa pulong sa Sulo Hotel, nagtataka ang grupo ng kontratista kung paano at bakit pinahintulutang sumali ang Chiara Construction at Shen Construction sa bidding  ng pampublikong proyekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila.

Lumilitaw sa dokumento na ang Chiara  Construction ay pag-aari ng isang Efren Rigor samantalang si Shieren John Rigor naman ang nagmamay-ari ng Shen Construction. Si Efren umano na ama ng nakakabatang si Shieren ay may inside track tuwing may bidding dahil sa kanilang relasyon kay Director Rigor.

Sa Rule 15 Section 47 ng implementing rules and regulations ng RA No. 9184, kailangan na munang magsumite ng sworn affidavit ang isang bidder na magpapatunay na hindi siya kamag-anak ng pinuno ng procuring entity by consanguinity of affinity up to the third degree.

Layunin ng batas na matiyak na magkakaroon ng patas at malinis na public bidding ng anumang public works projects at maiwasan ang anumang kuwestiyunableng transaction sa departamento.

Nagtataka din  ang mga lehitimong kontratista kung paano nabigyan ng  lisensiya at clearance ni DPWH Prequalification Bids and Awards Committee (PBAC) chief Emerson Benitez ang naturang mga kontratista gayung ang mga ito ay kamag-anak ni Rigor.

Dahil dito, inaasahan na gagawa ng masusing imbestigasyon si DPWH Secretary Hermogenes Ebdane upang masugpo ang ganitong uri ng katiwalian. (Doris Franche)

vuukle comment

CHIARA CONSTRUCTION

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DIRECTOR JOSEFINO RIGOR

DIRECTOR RIGOR

DORIS FRANCHE

EFREN RIGOR

EMERSON BENITEZ

METRO MANILA

PREQUALIFICATION BIDS AND AWARDS COMMITTEE

SHEN CONSTRUCTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with