Empleyado ng Manila City Hall huli sa kotong
October 29, 2006 | 12:00am
Inaresto ng mga security guard ng Manila North Cemetery ang isang kawani ng Manila City Hall dahil sa umanoy pangongotong at pananakot sa mga nagtitinda dito na kung hindi sila magbibigay ng pera ay hindi sila maaaring makapagtinda sa araw ng mga patay sa Nobyembre 1.
Kinilala ang suspect na si Joseph Jamero, 57, special operations enforcer ng Department of Public Services sa Manila City Hall at residente ng 1980 Kahilum 2, Pandacan, Manila.
Base sa reklamo nina Modesto Vergara, 60, ng #173 Labo St., La Loma, Quezon City at Reynaldo Lopez, 46, ng Mendoza St., Gagalangin, Tondo, kapwa tindero sa North Cemetery, bandang alas-11 ng umaga nang puntahan sila ni Jamero sa kanilang puwesto sa Second St. Sinabihan umano sila ng suspect na sobra sa sukat ang kanilang mga puwesto kayat para payagan umano silang makapagtinda ay kinakailangang magbigay sila ng P1,400 bawat isa.
Bunsod nito kayat nagduda ang mga tindero at tindera sa lugar na agad namang humingi ng tulong sa mga security guard ng Manila North Cemetery. Sa pagberipika, natukoy si Jamero na empleyado ng Manila City Hall ngunit walang pahintulot ang kanyang pangungolekta ng salapi sa mga vendor. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 25, 2024 - 12:00am