2 Liberian tiklo sa swindling
October 29, 2006 | 12:00am
Dalawang Liberian national na pinaghihinalaang nasa likod ng international swindling syndicate na nambibiktima ng mga banyaga sa mga pamosong hotel sa bansa ang nasakote ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa operasyon sa Makati City.
Kinilala ni PNP-CIDG Chief Director Jesus Verzosa ang mga nasakoteng dayuhang suspect na sina Prince Koulban, 31; at Esthoro Tokpah, 28.
Base sa report, ang dalawa ay nasakote ng PNP-CIDG operatives sa loob ng Dusit Hotel sa Makati City dakong alas- 9 ng umaga habang naghahanap ng panibagong bibiktimahin.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa talamak na operasyon ng isang notoryus na swindling syndicates na kinaaniban ng mga suspect na naghahanap ng mabibiktima sa mga hotel sa pinansyal na distrito ng lungsod ng Makati.
Matapos ang masusing pagtugaygay sa lugar ay agad naglatag ng surveillance operations ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang Liberian national. Hindi na nagawang makapanlaban ng dalawang dayuhang suspect matapos na makorner ng mga operatiba ng pulisya.
Nahaharap ngayong sa kasong kriminal ang dalawang nasakoteng dayuhan na patuloy na isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am