Bangkay ng parak itinakas
October 28, 2006 | 12:00am
Nakatakdang magsampa ng kaso ang isang funeral parlor sa Quezon City laban sa isang pulis na kaanak ng napatay na isa ring parak makaraang itakas nito ang bangkay ng huli nang hindi binabayaran ang kanilang balanse.
Ayon kay Rene Mendoza ng Norsam Funeral Homes sa #170 Tandang Sora Avenue, Bgy. Banlat, Quezon City hindi umano sila inabisuhan ni PO3 Jovani Obana na kanilang ililipat ng lugar ang bangkay ni PO3 Noel Alcantara.
Nagulat na lamang sila nang biglang ipasya ni Obana na ilipat ito ng lugar habang hindi nababayaran ang halagang P49,000 na bayarin sa nasabing funeral parlor. Matatandaan na si Alcantara ay binaril at napatay ng mga hindi pa nakikilalang suspect noong Sabado ng umaga sa harap ng kanyang bahay sa Galas, Quezon City noong October 21. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended