^

Metro

Sanggol inilibing sa ilalim ng hagdan

-
Nahaharap sa kaso ang isang ama matapos na madiskubre ang bangkay ng kanyang bagong panganak na sanggol na umano’y kanyang inilibing sa ilalim ng hagdanan ng kanilang bahay sa Quezon City.

Ayon kay PO3 Edwin de la Cruz ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa Quezon City Health Department upang malaman kung ano ang kasong maaaring isampa laban kay Dominic Sacala ng #96-B ROTC Hunters Delgado Compound, Brgy. Tatalon, Quezon City.

Nabatid kay Sacala na napilitan siyang ilibing ang kanyang anak na kanyang pinangalanang Maria Heidilyn sa konkretong hagdan bunga na rin ng kawalan ng pera sa pagpapalibing dito.

Ipinanganak ang bata noong Setyembre 1, ng misis ni Dominic na si Heidi sa Fabella Hospital. Subalit makalipas ang tatlong araw namatay ang bata bunga ng respiratory distress syndrome. Inilagay ni Dominic ang bangkay ng bata sa isang kahon ng sapatos at saka inilibing sa ilalim ng hagdan.

Dahil na rin sa pangamba sa magiging epekto ng paglilibing sa kanilang kalusugan, inireport ng mga kapitbahay ni Dominic ang ginawa nito sa pulisya. Agad na hinukay ang bangkay ng bata at nakatakdang ilipat sa sementeryo. (Doris Franche)

AYON

DOMINIC

DOMINIC SACALA

DORIS FRANCHE

FABELLA HOSPITAL

HUNTERS DELGADO COMPOUND

MARIA HEIDILYN

QUEZON CITY

QUEZON CITY HEALTH DEPARTMENT

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with