Habambuhay sa 3 kidnaper
October 28, 2006 | 12:00am
Habambuhay na pagkabilanggo ang hinatol ng Quezon City Regional Trial Court sa tatlong kidnappers na dumukot sa anak ng may-ari ng isang pribadong ospital noong 2001.
Sa 37-pahinang desisyon ni Judge Bayani Vargas ng Branch 219, napatunayang nagkasala ng kasong kidnapping with ransom ang mga akusadong sina Rey Anselmo, Geraldine Dulca at Bernie Manuel.
Kasabay nito, 17-taong pagkabilanggo naman ang pinataw sa ika-apat na akusado na si Renato Meycador, na nagbigay ng kanyang extra-judicial confession upang matukoy ang kanyang mga kasama nang isagawa ang krimen. Ang sinasabi namang mastermind na si Edcel Tomas Piga ay namatay bago pa man ito humarap sa korte.
Lumilitaw sa records na dinukot ng mga akusado si Mary Ruth Quilindrino, habang kasama nito ang kanyang inang si Dr. Estrella Quilindrino, may Gilmore St., New Manila, Quezon City sakay ng kanilang kotse. Ang kotse ay minamaneho ni Meycador noong Hulyo 28, 2001. Si Quilindrino ang nagmamay-ari ng Perpetual Succor Hospital.
Ayon kay Quilindrino bigla na lamang silang binangga sa likod ng isang sasakyan kung kayat huminto sila at bumaba naman ang kanilang driver na si Meycador. Dito na sumakay ang mga akusado sa kanilang kotse.
Inamin naman ng mga akusado na una silang humingi ng P30-million ransom mula kay Dr. Quilindrino hanggang sa bumaba ito sa P3.5-million. Dinala naman ni Dr. Quilindrino ang ransom money sa harap ng isang hamburger chain sa España, Manila noong Hulyo 31 kung saan si Anselmo ang kumuha ng pera.
Nabatid na bago pa man iwan ang biktima ay umamin na ang family driver na si Meycador na sangkot siya sa pagdukot sa biktima kasabay ng pagtukoy sa kanyang mga kasamahan. Humingi naman ng tulong ang mga biktima sa pulisya kung saan agad na naaresto ang mga akusado.
Pinagbabayad din ang mga akusado ng P2,550,000 para sa nakuhang ransom money, P500,000, actual damages at P50,000, moral damages.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended