Kawani ng MMDA lasog sa tren
October 27, 2006 | 12:00am
Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 49-anyos na kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang masagasaan ito ng isang tren kamakalawa sa Makati City.
Nasawi noon din ang biktimang si Ricardo Cagabihon, nakatalaga sa Green and Beautification, South Superhighway, PNR Railroad Track, Brgy. Pio del Pilar ng lungsod na ito.
Kinilala naman ang operator na si Joseph Alzona, 36, nakatira sa del Pilar St., Calamba, Laguna.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Miguel Descalzo, ng Makati City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon sa south-bound, PNR Site, Brgy. Pio del Pilar.
Habang naglilinis sa naturang lugar ang biktima, hindi nito namalayan ang paparating na tren na may body number 405 na nagmula sa Maynila at patungong Alabang at ang operator ay si Alzona.
Nahagip ang biktima na naging dahilan upang magkalasug-lasog ang katawan nito at siyang naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Hanggang ngayon ay nakakalaya pa ang suspect na si Alzona at posibleng masampahan ng reckless imprudence resulting to homicide. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended