Holdaper patay sa shootout
October 27, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang kilabot na holdaper matapos na maasinta sa ulo ng mga pulis nang maaktuhang nambibiktima ng dalawang babae, kahapon ng madaling-araw sa Sta. Ana, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila ang suspect na nakilala sa alyas na "Atoy Hitman", nasa pagitan ng 30-35 anyos at may tattoo na "Bahala na Gang" sa magkabilang braso. Nakatakas naman ang tatlo nitong kasamahan.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:15 ng ng madaling-araw sa kahabaan ng Pasig Line Interior sa Sta. Ana.
Nabatid na nagresponde ang mga pulis na sina PO3 Felipe Mendoza at PO2 Alvin Chong, ng San Andres Police Community Precinct sa ulat na nagaganap na panghoholdap sa may panulukan ng A. Francisco at Arellano Sts. sa Sta. Ana. Dito nila naabutan ang apat na suspect sa aktong hinoholdap ang mga biktimang sina Girlie Reyes, 19; at Christine Torres, 21. Agad namang napansin ng mga suspect ang paparating na mga parak kaya sinalubong nila ang mga ito ng putok ng baril saka nagkanya-kanya ng takbuhan.
Nasukol naman si Atoy Hitman sa isang eskinita kung saan pinaputukan muli nito ang mga awtoridad, dito na gumanti ng putok ng baril ang mga pulis at tinamaan ang suspect sa ulo na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Pinaghahanap pa ang mga nakatakas na kasamahan ng nasawing suspect. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am