Killer ng barangay chairman timbog
October 26, 2006 | 12:00am
Bumagsak na sa kamay ng mga operatiba ng Caloocan Police kahapon ang isa sa dalawang suspect na itinuturong bumaril at pumatay sa isang barangay chairman nitong Lunes ng umaga.
Nadakip ng mga tauhan ni Sr. Supt. Napoleon Cuaton, deputy chief of police ang suspect na si Andy Bernardo sa pinagtataguan nito sa Deparo, nasabing lungsod.
Si Bernardo ang umanoy bumaril nang malapitan kay Brgy. 168 Chairman Lauro "Larry" del Rosario sa Deparo sanhi ng kanyang agarang pagkamatay bunga ng isang tama ng punglo sa ulo.
Samantala, pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang isa pang kasamahan ni Bernardo na si Jon-Jon Osario.
Magugunita na inabangan si del Rosario ng dalawang nabanggit na suspect sakay ng isang pulang motorsiklo sa may Llano Road at habang nagbababa ng pinamili sa kanyang van ang biktima ay pinaputukan nang malapitan ni Bernardo. Nagsilbi namang look-out si Osario at matapos na mabaril ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.
Isa naman sa mga suspect ang tinukoy ng pulisya na unang naaresto ng mga tauhan ni del Rosario sa barangay dahil sa pagdadala ng baril at agad nitong ipinakulong. Dahil dito, malaki ang paniwala ng pulisya at mga kaanak ng nasawi na paghihiganti ang motibo sa pamamaslang sa chairman. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended