Parak kritikal sa ambush
October 25, 2006 | 12:00am
Nasa kritikal na kalagayan ang isang tauhan ng pulisya matapos na tambangan ng dalawang hindi nakikilalang armadong suspect habang lulan ng kanyang kotse ang una sa kahabaan ng Taft Avenue sa may Pasay City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PO3 Ricardo Tan, ng Pasay City Police ang biktimang parak na si PO2 Edgar Angel, 34, ng 170 Villaruel St, ng nabanggit na lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang pananambang dakong alas-8:30 ng gabi habang ang biktima ay lulan ng kanyang kotseng Lancer na may plakang NEN-971 nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspect lulan ng isang motorsiklo at walang sabi-sabing pinaulanan ng putok ng baril ang biktima at saka mabilis na nagsitakas.
Nabatid na galing sa Philippine Law School ang nasabing pulis na dito ito nag-aaral at pauwi na sa kanilang bahay nang tambangan ng mga suspect.
Malaki ang paniwala ng mga awtoridad na inabangan na sa naturang kanto ang biktima na siyang palaging ruta nito. Matagal na rin umanong nakakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay si Angel sa hindi malamang dahilan.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Lordeth Bonilla at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended