^

Metro

Kaso vs Pacquiao nabasura

-
Ibinasura kahapon ng Quezon City Prosecutor’s Office ang kasong isinampa laban sa World Boxing Champ Manny Pacquiao ng isang babae na sinasabing naanakan nito kamakailan.

Sa limang pahinang resolusyon na inilabas ni QC Assistant City Prosecutor’s Maria Gracia Cadiz Casaclang, nabasura ang isinampang kaso ni Joanna Rose Bacosa hinggil sa Republic Act 9262 o ang Act Defining Violence Againt’s Women and Their Children kaugnay sa hinihinging financial support ng huli para umano sa dalawang taon gulang nilang anak ni Pacquiao na si Emmanuel.

Ayon kay Casaclang, walang matibay na ebidensiyang nilabag si Pacquiao dahil hindi umano napatunayan na anak talaga ng boksingero ang bata.

Binanggit din sa resolusyon na ang litratong ipinakita ni Bacosa na magkakasama silang tatlo ng boksingero ay hindi nagpapatunay na si Pacquiao ang ama ng bata.

Hindi rin kinilala ng piskal ang iniharap na baptismal certificate ni Bacosa dahil hindi ito nangangahulugang si Pacquiao ang ama nito.

Sinabi naman ni Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Bacosa na hindi pa nila natatanggap ang kopya ng resolusyon at sakali umanong ganito nga ang kinalabasan ng kaso magsasampa umano sila ng motion for reconsideration at petition for review sa DoJ.

Gayunman, depende umano ito sa kanyang kliyente dahil matagal-tagal na rin umano silang hindi nakakapag-usap nito.

May hinala pa si Rodriguez na posible umanong nakompromiso na rin si Bacosa dahil na rin sa mga alok na ibinibigay dito mula sa kampo ni Pacquiao. (Angie dela Cruz)

ACT DEFINING VIOLENCE AGAINT

ASSISTANT CITY PROSECUTOR

BACOSA

JOANNA ROSE BACOSA

MARIA GRACIA CADIZ CASACLANG

PACQUIAO

QUEZON CITY PROSECUTOR

REPUBLIC ACT

VIC RODRIGUEZ

WOMEN AND THEIR CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with