Barangay captain sa Caloocan inambus, patay
October 24, 2006 | 12:00am
Sabog ang ulo ng isang 46-anyos na barangay chairman matapos na malapitang barilin ng dalawang lalaki na naka-motorsiklo habang may inaayos sa kanyang sasakyan ang una sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Idineklarang dead-on arrival (DOA) sa Bernardino General Hospital ang biktima na kinilalang si Lauro "Larry" del Rosario ng Brgy. 168 at nakatira sa NPC Line, Deparo, Caloocan City sanhi ng isang tama ng bala sa ulo.
Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Nelson Reyes ng Caloocan City Police, dakong alas-7 ng umaga habang abala si del Rosario sa pag-aayos at pagbababa ng mga pinamili sa nakaparkeng van sa may T. Samson Road, Brgy. 187, Llano Road ay biglang dumating ang dalawang suspect sakay sa isang kulay pulang motorsiklo.
Agad na nilapitan ng isa sa mga suspect ang biktima habang nakaabang sa motorsiklo ang isang pang suspect. Mabilis na tinutukan ng gunman sa ulo ang kapitan at walang sabi-sabing pinaputukan ito.
Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.
Wala pang maibigay ang pulisya na posibleng motibo sa pagpaslang sa chairman, gayunman tinitingnan nila ang anggulo ng pulitika. Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya at manhunt operation laban sa mga suspect. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended