Sa ginawang rally kahapon sa loob ng UP Diliman, ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagtutol sa panibagong panukala ng UP Administration.
Sinabi ni Wendel Gumban, tagapagsalita ng Kabataan Youth Party-UP Diliman Chapter, plano ng UP na magtaas ng P1000 kada unit mula sa dati nitong P300 kada unit sa kanilang tuition fee.
Mula naman sa P600 ay itataas naman sa P2000 ang kanilang miscellaneous fee.
Aniya, hindi umano makatarungan ang hakbang ng administrasyon dahil dadami lamang ang kabataang hindi makakapag-aral sa kolehiyo. (Doris Franche)