^

Metro

UP students nag-rally vs tuition fee hike

-
Mariing tinututulan ng mga estudyante ng University of the Philippines (UP) ang planong pagtataas ng tuition fee at iba pang bayarin sa nabanggit na unibersidad.

Sa ginawang rally kahapon sa loob ng UP Diliman, ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagtutol sa panibagong panukala ng UP Administration.

Sinabi ni Wendel Gumban, tagapagsalita ng Kabataan Youth Party-UP Diliman Chapter, plano ng UP na magtaas ng P1000 kada unit mula sa dati nitong P300 kada unit sa kanilang tuition fee.

Mula naman sa P600 ay itataas naman sa P2000 ang kanilang miscellaneous fee.

Aniya, hindi umano makatarungan ang hakbang ng administrasyon dahil dadami lamang ang kabataang hindi makakapag-aral sa kolehiyo. (Doris Franche)

ANIYA

DILIMAN

DILIMAN CHAPTER

DORIS FRANCHE

KABATAAN YOUTH PARTY

MARIING

MULA

SINABI

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

WENDEL GUMBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with