^

Metro

Lolo dedo sa kapwa lolo

-
Pinaghahanap ngayon ng Manila Police District ang isang 60-anyos na lolo matapos na saksakin at mapatay ang dati nitong matalik na kaibigan sa 10-taon na nilang alitan kahapon sa Tondo, Maynila. Nakilala ang pinaghahanap na salarin na si Frank Bueno. Ito ay itinuturong pumatay sa biktima na si Danilo Roxas, 56.

Ayon sa ulat, naganap ang pamamaslang sa biktima dakong alas-7:45 ng gabi sa harapan ng bahay nito sa Navarro St., Tondo. Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng suspect at ng biktima. Naawat naman agad ang dalawa na nagsiuwi na sa kanilang bahay.

Makaraan ang ilang minuto, nagtungo sa harapan ng bahay ng biktima si Bueno na armado ng balisong at muling kinompronta si Roxas saka tinarakan ng balisong sa dibdib at mabilis na tumakas. Nabatid na dating matalik na magkaibigan ang dalawa ngunit nagkaroon ng matinding alitan sampung taon na ang nakalipas. Tuwing magkikita umano ang dalawa ay nauungkat ang ugat ng kanilang pag-aaway na humantong pa sa pagkapatay sa biktima. (Danilo Garcia)

AYON

DANILO GARCIA

DANILO ROXAS

FRANK BUENO

MAKARAAN

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NABATID

NAVARRO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with