Bebot natagpuang patay sa loob ng kotse
October 21, 2006 | 12:00am
Patay sa suffocation ang isang babae na hinihinalang miyembro ng Bukas Kotse Gang na natagpuan sa loob ng kotse ng isang huwes, kamakalawa ng gabi sa Cubao, Quezon City.
Sa pamamagitan ng kanyang voters ID, nakilala ang biktima na si Amelita Aco, 33, ng Assumption, Antipolo City. Unti-unti nang nalalapnos ang balat ng biktima matapos na makulong sa init sa loob ng sasakyang pag-aari ni Pasig City MTC Judge Jacqueline Ongpauco-Cortel.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-9:30 ng umaga kamakalawa nang i-park ni Cortel ang kanyang sasakyan sa harap ng Rustans Supermarket sa Cubao, Quezon City, subalit laking gulat niya nang makita ang nalalapnos na bangkay ng biktima sa passenger seat ng kanyang BMW na may plakang ZCX-740 dakong alas-6 ng gabi.
May hinala ang mga awtoridad na posibleng binuksan ng biktima ang sasakyan subalit hindi nakalabas dahil ang naturang sasakyan ay nag-o-automatic lock.
Sa tabi ng bangkay ng biktima, nakita ang isang kulay grey na bag na naglalaman ng ibat ibang ID, withdrawal slips, at diary na hindi nakapangalan dito.
Ayon naman sa mga security guard ng parking area, hindi nila napansin ang pagpasok ng biktima sa naturang sasakyan.
Sinabi naman ni Dr. Felimon Porciuncula na nakausap niya si Cortel at sinabi nito na hindi niya kilala ang biktima.
Gayunman, nagsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil dito. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am