AFP binalaan ng CHR sa kampanya vs terorista
October 20, 2006 | 12:00am
Binalaan ng pamunuan ng Commission on Human Rights (CHR) ang Armed Forces of the Phils. (AFP) hinggil sa matinding kampanyang ipinatutupad nito laban sa mga pinaghihinalaang terorista na bantang magsagawa ng karahasan sa bansa, partikular sa Metro Manila. Ayon kay CHR spokesman Edgardo Diansuy, wala silang pakialam sa mga ipinatutupad na hakbangin ng AFP para mapangalagaan ang mamamayan at ang pamahalaan subalit dapat itong maghinay-hinay sa pagkilos laban sa mga pinaghihinalaang terorista sa bansa. Sinabi ni Diansuy na babantayan ng CHR ang sinumang huhulihin ng AFP para matiyak na walang magaganap na paglabag sa karapatang pantao ng mga pagbibintangang terorista. Inisnab din ng CHR ang report na isang pananakot lamang ang hakbanging ito ng AFP para pagtakpan umano ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ni Pangulong Gloria Arroyo. (Angie dela Cruz)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended