Sa pitong-pahinang desisyon ni Judge Librado Correa ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 164, ipinag-utos nito na magbayad ng kabuuang P500,000 danyos ang akusadong si Teofilo Ragodon Marcelino, alyas "Terence".
Batay sa ulat ng korte, dakong alas-9:45 ng umaga noong Setyembre 18, 2004 nang madakip ang akusado sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy San Joaquin Pasig City.
Sa depensa naman ng suspect sinabi nitong nagkayayaan lamang silang tatlong magkakapatid na mamili ng damit ng bata sa tiangge sa Brgy. San Joaquin Pasig at habang namimili umano siya ng housing ng kanyang cellphone ay bigla na lamang umano siyang hinuli ng mga pulis.
Hindi naman pinanigan ng korte ang alibi ng akusado. (Edwin Balasa)