^

Metro

Habambuhay sa ‘tulak’

-
Habambuhay na pagkakabilanggo ang inihatol ng korte sa isang lalaking nahuling nagtutulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Pasig City dalawang taon na ang nakararaan.

Sa pitong-pahinang desisyon ni Judge Librado Correa ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 164, ipinag-utos nito na magbayad ng kabuuang P500,000 danyos ang akusadong si Teofilo Ragodon Marcelino, alyas "Terence".

Batay sa ulat ng korte, dakong alas-9:45 ng umaga noong Setyembre 18, 2004 nang madakip ang akusado sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy San Joaquin Pasig City.

Sa depensa naman ng suspect sinabi nitong nagkayayaan lamang silang tatlong magkakapatid na mamili ng damit ng bata sa tiangge sa Brgy. San Joaquin Pasig at habang namimili umano siya ng housing ng kanyang cellphone ay bigla na lamang umano siyang hinuli ng mga pulis.

Hindi naman pinanigan ng korte ang alibi ng akusado. (Edwin Balasa)

BATAY

BRGY

BRGY SAN JOAQUIN PASIG CITY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EDWIN BALASA

HABAMBUHAY

JUDGE LIBRADO CORREA

PASIG CITY

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

SAN JOAQUIN PASIG

TEOFILO RAGODON MARCELINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with