^

Metro

Package na may lamang bomba, natagpuan

-
Isang package na sinasabing naglalaman ng mga pampasabog na posibleng kumitil ng maraming buhay ang natagpuan kahapon sa lungsod ng Taguig.

Dakong alas-8:30 ng umaga nakatanggap ng tawag sa telepono ang Tactical Operation Center (TOC) ng Taguig City Police mula sa isang Ciriaco Benosa Jr., 35, isang negosyante, na isang kaduda-dudang package ang nakita sa delivery truck ng kanilang mga softdrinks sa 34 Sambong St., Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Kaagad na rumesponde ang mga pulis at nang kanilang berepikahin, positibong isang uri ng pampasabog ang laman ng package. Ito ay ang mga sumusunod, dalawang pirasong TNT block, 1 pirasong smoke grenade, 7 pirasong mga bala mula sa ibat-ibang kalibre ng baril at 35 pirasong spent shells mula pa rin sa iba’t ibang kalibre ng baril.

Natagpuan din dito ang iba’t ibang ID, na nagngangalang Kendato Sailila, kung saan nagsasagawa pa ng berepikasyon hinggil dito.

Mabuti na lamang umano at agad na natuklasan ang mga bomba at napigilan ang posibleng pagsabog nito sa naturang lugar, na maaaring kumitil ng maraming buhay. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY WESTERN BICUTAN

CIRIACO BENOSA JR.

DAKONG

ISANG

KENDATO SAILILA

LORDETH BONILLA

SAMBONG ST.

TACTICAL OPERATION CENTER

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with