Anak ni Jun Aristorenas, arestado sa pagnanakaw
October 18, 2006 | 12:00am
Inaresto ng mga tauhan ng Makati Police ang anak ng yumaong aktor na si Jun Aristorenas matapos nitong nakawin ang cellphone ng misis ng isang pulis, kamakalawa sa Makati City.
Nahaharap sa kasong pagnanakaw ang suspect na si Peter Junar Aristorenas, 38, nakatira sa #127 Doña Soledad Avenue, Better Living,Parañaque City.
Kinilala naman ang biktima nito na si Lani Catsapero, 44, residente ng Veraville Town Homes, Brgy. Pulang Lupa, Las Piñas City, asawa ng isang pulis Parañaque City.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa harapan ng Park Square 1, Ayala Center, Makati. Kasama ng biktima ang mister nitong pulis at isa pang kabaro nito kung saan naglunsad sila ng entrapment operation makaraang alukin ng suspect ang ginang na maging model ng Bossini. Nabatid na nagpapanggap si Aristorenas na isang talent manager.
Lingid sa kaalaman ng suspect alam na ng biktima ang modus operandi nito, dahil dalawa niyang co-teacher ang naging biktima na nito na kapwa rin ninakawan nito ng cellphone.
Inihanda ang bitag laban sa suspect kung saan hindi nagkamali ang ginang dahil kinulimbat nga nito ang kanyang cellphone pero hindi na ito nakalusot pa dahil sa nakaabang na ang mga awtoridad na umaresto sa kanya. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended