3 killer ng Navotas priest, timbog
October 18, 2006 | 12:00am
Makaraan ang mahigit sa dalawang taong pagtatago, bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad kahapon ang magkapatid at isa pang lalaki na itinuturong responsable sa serye ng panghoholdap at pagpatay sa CAMANAVA area kabilang ang pagpaslang sa isang pari sa Navotas noong 2004.
Nakilala ang mga nadakip na sina Jose Malinao, 30; kapatid nitong si Roger at isang Ronaldo Francisco dahil sa pagpaslang kay Fr. Rome Asuzano, parish priest ng San Lorenzo Parish Church sa Navotas.
Nabatid na unang nadakip ang mga suspect sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Theresa de Guzman-Alvarez ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 131 dahil sa ibang kasong frustrated homicide at robbery na naganap sa nasabing lungsod, bukod pa ang kasong nakabimbin laban sa kanila dahil sa pagpaslang sa nasabing pari. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended