Borgy palit kay Imelda

Hindi na matutuloy ang pagtakbo ni dating Unang Ginang Imelda Marcos bilang mayor ng Maynila dahil nagparaya umano ito sa kanyang apong si Borgy Manotoc, 23.

Ito ang sinabi kahapon ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos kaugnay sa naunang plano ng kanyang nanay na kakandidato bilang mayor ng Maynila.

Ayon pa kay Marcos, nagprisinta na rin ang dating unang ginang na maging campaign manager ni Borgy.

Isiniwalat ni Marcos na kinausap at kinumbinsi ng kanyang nanay si Borgy na kumandidato bilang mayor dahil sa higit umano itong makakapagsilbi sa mga mamamayan ng lungsod ng Maynila lalo na sa mga kabataan.

"Taga-Tondo si Borgy! Ang kanyang tatay (Tommy Manotoc) ay tubong Tondo, taga-Gagalangin. Ang lolo at lola ni Borgy ay pawang mga taga-Tondo. Taal na Manileño ang mga ninuno ni Borgy," pahayag ni Marcos.

Naniniwala rin ang kongresista na makukuha ni Borgy ang malaking bloke ng mga botante sa Maynila na pawang mga kabataan kabilang na ang mga residente na naninirahan sa mga depressed areas sa Maynila. (Malou Escudero)

Show comments