2 empleyado ng PVAO, fixer hulog sa NBI
October 17, 2006 | 12:00am
Dalawang empleyado ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) at isang babaeng fixer na nagsasabwatan para mambiktima ng mga beterano ang dinakip ng mga tauhan ng Nationa Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation sa Quezon City.
Nakilala ang mga nadakip na sina Nancy Quitalig, assistant financial claims examiner ng PVAO Miscellaneuous Benefits Division; Emma Zapanta de Guzman, planning officer 1 ng PVAO Special Projects Division at si Pacita Navia, alyas Paz Bravo, empleyado ng CVM Finance and Credit Corporation sa may Manila East Arcade, Taytay, Rizal.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang NBI tungkol sa nagkalat na fixer sa PVAO sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Isang sabwatan ang nagaganap sa mga tiwaling empleyado ng PVAO at mga fixer na nag-aalok ng kanilang tulong para mapabilis ang pagpapalabas ng kanilang benepisyo ngunit kapalit ng 30 hanggang 50 porsiyento ng perang maibibigay sa mga beterano.
Sa reklamo ng biktimang si Evelyn Avendano, nagtungo siya sa PVAO noong Setyembre 21 upang magsagawa ng follow-up sa pagpapalabas ng backpay ng kanyang yumaong asawa na beterano ng World War II. Isang Paz Bravo ang lumapit sa kanya na nag-alok ng tulong kapalit ng 30 porsiyento ng mailalabas na pera at kung hindi naman siya papayag ay hindi na niya makukuha ang benepisyo na aabot sa P381, 500.
Kinuha pa ng suspect ang passbook sa bangko ni Avendano. Nitong Oktubre 12 nakatanggap ng text message si Avendano buhat kay Bravo na nakahanda na para sa withdrawal ang kanyang pera ngunit iginiit nito na sasama siya sa pagkuha para sa kanyang 30 percent.
Dito na humingi ng tulong si Avendano sa NBI at nadakip si Bravo sa inihandang entrapment operation.
Nakipagtulungan din naman ang suspect sa operatiba at isiniwalat na kasabwat niya sa panloloko sina Quitalig at Zapanta. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended