4 na Chinese, timbog sa tone-toneladang kable
October 15, 2006 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng mga elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang apat na Chinese national dahil sa paglabag sa Anti-Pilferage of Electricity Act at pagnanakaw ng transmission lines.
Sa report na ipinadala ng CIDG-National Capital Region Office (NCRO) Valenzuela kay CIDG Director Jesus Versoza ang mga naaresto ay nakilalang sina Uy Ching Sang na kilala din sa tawag na William Uy, 38; Hung Ling Bo, alias Carlos Uy, 37; Shi Shae Wei, alias Wilson Uy, 19, at isang So Shui , 38 anyos pawang residente ng no. 94, Parada St., Valenzuela City.
Ayon kay Supt. Anthony Abarin, CIDG-NCRO-Valenzuela, ang pagkakaaresto sa mga nabanggit ay batay sa reklamong isinampa laban sa mga ito ng Manila Electric Company (MERALCO) at isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Henri Jean Paul B. Ingpit ng Regional Trial Court Branch 95 ng Quezon City .
Ang operasyon ng pulisya ay ginawa kasama ng Meralco liaison officer na si Bien Venido na nagresulta ng pagkakumpiska sa may 5,000 kilo ng wire cooper na nagkakahalaga ng P1.5 million. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga ito. (Angie dela Cruz at Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest