Ginang huli sa aktong nangongotong
October 13, 2006 | 12:00am
Arestado sa isang entrapment operation ng Quezon City Police District-Police Intelligence Division ang isang biyuda na nagpakilalang konektado sa Meralco matapos na ireklamo ng pangingikil ng isang ginang kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Kasalukuyang nakapiit ang suspect na si Elsa Cuaresma, 52, ng Brgy. Commonwealth nang ireklamo ni Anna dela Cruz, 36, ng Payatas, Quezon City.
Ayon sa ulat, isinagawa ang entrapment dakong alas-6:30 ng gabi sa harap ng Kristong Hari Parish Church sa Commonwealth Avenue. Lumilitaw na noong Hunyo 12, 2006 nang kausapin si dela Cruz ng suspect matapos na maputulan ng kuryente ang una. Nagpakilala ang suspect na konektado sa Meralco at kaya umano niyang maibalik ang kuryente nito sa loob lamang ng isang linggo. Dahil na rin sa pagnanais na magkakuryente nagbigay ng P5,000 si dela Cruz kay Cuaresma, subalit lumipas ang mga buwan ay hindi nito naibalik ang kuryente ng biktima. Humihirit pa ang suspect ng halagang P1,500 na ikinainis ng una kung kaya lingid sa kaalaman ng suspect ay nagsumbong na sa pulisya ang biktima at inihanda ang entrapment. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended