Tensyon sa Taguig demolition

Pumalag ang mga residente sa isang barangay sa Taguig City matapos magsagawa ng demolition dito ang grupo ng mga sundalo na humantong sa matinding tensyon kahapon.

Dakong alas 6:00 ng umaga nang isinagawa ng grupo ng Philippine Army ang demolition laban sa mga residente ng Sitio Bagong Silang, Brgy. Tago-Tago, Barangay Western Bicutan, ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na pinalalayas na ang mga ito, dahil ayon sa nabanggit na tanggapan ang kanilang tinitirhan lupa ay bahagi ng pag-aari ng Libingan ng mga Bayani.

Subalit pumalag ang mga residente sa isinagawang hakbangin ng Armed Forces of the Philippines (AFP), dahil katwiran ng mga ito na matagal na silang nakatira dito at prinoklama aniya ng gobyerno ang kanilang lugar na pag-aari na nila.

Hanggang sa nagkaroon ng matinding tension sa pagitan ng mga residente at grupo ng mga sundalo na muntik ng dumanak ng dugo dahil sa sunod-sunod na putok ng baril na narinig ng mga residente dito. (Lordeth Bonilla)

Show comments