^

Metro

NPA, nagpaparusa sa publiko – Intengan

-
Binatikos ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) ang New People’s Army sa patuloy na pangingikil nito hindi lamang sa mga negosyante at pulitiko kundi maging sa mga maliliit na mamamayan.

Ayon sa PDSP, masyado nang nakababahala ang ginagawang panggigipit ng NPA sa mga maralita na hindi naman dapat na ipagwalang bahala ng awtoridad.

Matatandaan na sinabi ni Brig. Gen. Carlos Holganza, Army Battalion commander ng Compostela Valley, na humihingi ng 50 porsiyento ng kita ng mga negosyante ng mga rebeldeng NPA at P1 naman mula sa mga pamilya na naninirahan sa mga baryo. Ang kanilang nakokolekta ay ipambabayad sa sahod ng mga rebelde.    

Nabatid na umaabot sa 800 puno ng saging ang pinutol ng mga rebelde nang tumanggi ang may-ari nito na magbigay ng revolutionary tax. Ang ginawa ng mga rebelde ay nagdulot ng P4 milyong danyos at kawalan ng trabaho ng may 300 katao.

Sinabi din ni Jesuit priest Father Romeo Intengan na maging ang communist rebel ay hindi din tumitigil sa pangingikil sa mga local officials. Aniya, isang alkalde sa Agusan del Sur ang hiningan ng P3 milyon ng mga ito.

Nagpapatunay lamang ito na hindi protektor ng publiko ang NPA kundi mga pahirap sa buhay ng bawat Filipino. (Doris Franche)

AGUSAN

ANIYA

ARMY BATTALION

CARLOS HOLGANZA

COMPOSTELA VALLEY

DORIS FRANCHE

FATHER ROMEO INTENGAN

NEW PEOPLE

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with