^

Metro

Suspension order uli kay Calixto ipinatupad

-
Naipatupad na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 60 days suspension order ng Malacañang laban kay Pasay City Vice-Mayor Antonio Calixto.

Ayon kay DILG Asst. Secretary Bryan Yamsuan, ang 60 days suspension order laban kay Calixto ay batay sa desisyon ng Palasyo hinggil sa administrative charges ng huli.

Una nang nakakuha ng TRO mula sa Court of Appeals si Calixto hinggil naman sa anim na buwang suspension order ng Ombudsman hinggil sa reklamo laban dito na may kinalaman sa anomalya sa kontrata sa basura.

Sinabi ni Yamsuan na kung sakali man na matapos ang 60 araw na preventive suspension nito buhat sa Malacañang at wala namang lumalabas na ibang reklamo kay Calixto o ma-extend pa ang nakuha nitong TRO ay maaari na itong maupong acting Mayor ng Pasay.

"Kung wala ng kaso na lumitaw laban kay Calixto siya na ang maaaring umupo bilang Mayor kasi si Allan Panaligan na OIC ngayon ay babalik na konsehal," pahayag pa ni Yamsuan.

Magugunitang suspendido rin si Pasay City Mayor Peewee Trinidad at sampu pang konsehal sa city hall dahil sa iregularidad sa kontrata sa basura sa lungsod. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ALLAN PANALIGAN

ANGIE

CALIXTO

COURT OF APPEALS

MALACA

PASAY CITY MAYOR PEEWEE TRINIDAD

PASAY CITY VICE-MAYOR ANTONIO CALIXTO

SECRETARY BRYAN YAMSUAN

YAMSUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with