^

Metro

Tsinoy trader utas sa 3 ‘hired killer’

-
Patay ang isang negosyanteng Filipino-Chinese matapos na pagbabarilin ng tatlong lalaki na hinihinalang mga ‘hired killers’ sa harap ng pag-aaring hardware ng una sa Bagong Silang, Caloocan City kahapon ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa Nadados Hospital sa Lagro, Quezon City ang biktima na may Filipino name na Alvino Espino, 44, may-asawa at may-ari ng Marvin Hardware sa Phase 4, Package 4, Power Line Road, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod bunga ng dalawang tama ng punglo sa katawan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO4 Rodolfo Rival, dakong alas-11:20 ng umaga habang abala sa pag-aayos ng kanyang mga paninda ang biktima nang dumating ang tatlong di-kilalang mga suspect. Mabilis na bumunot ng baril ang isa sa mga suspect at walang sabi-sabing pinaputukan ng dalawang beses ang nasabing negosyante. Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang mga suspect sa hindi mabatid na direksiyon habang mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

Kasalukuyan nang inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang, kung ito ay may kaugnayan sa negosyo o ibang dahilan. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Caloocan police sa ikadarakip ng mga suspect. (Ellen Fernando)

ALVINO ESPINO

BAGONG SILANG

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

ELLEN FERNANDO

MARVIN HARDWARE

NADADOS HOSPITAL

POWER LINE ROAD

QUEZON CITY

RODOLFO RIVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with