^

Metro

Opisyal pa ng PDEA huli sa drug bust

-
Isang police major ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasakote ng mga awtoridad makaraang maaktuhang nagdedeliber ng halos tatlong gramo ng shabu sa drug bust operation sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PDEA Chief Director General Undersecretary Ret. Gen. Dionisio Santiago ang nasakoteng suspect na si Chief Insp. Arsenio Tancinco, nakatalaga sa PDEA Metro Manila Regional Office (MMRO).

Sinabi ni Santiago na si Tancinco ay nasakote ng pinagsanib na elemento ng PDEA, PNP-Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Force (PNP-AID-SOTF) at ng Station 6 ng Quezon City Police sa drug bust operation sa kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa Bitoon Circle sa Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod dakong alas-8:30 ng gabi.

Ayon kay Santiago, si Tancinco ay mahigit isang buwan na isinasailalim sa masusing surveillance operations matapos ang naganap na nakawan ng P35-M shabu sa storage room ng PDEA noong Agosto 21.

Isang concerned citizen umano ang nag-tip sa PDEA hinggil sa illegal na aktibidades ni Tancinco.

Nasamsam mula sa pag-iingat ni Tancinco ang 2.8 gramo ng shabu na nakatakda sana nitong ideliber sa isang poseur-buyer.

Sa kasalukuyan, ayon pa kay Santiago, ay isinasailalim na nila sa imbestigasyon si Tancinco upang alamin kung may partisipasyon ito sa kontrobersyal na nakawan ng ebidensiyang shabu sa kanilang ahensiya.

Ang suspect ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Si Tancinco ang ikatlong opisyal ng PDEA na nasakote ng mga awtoridad matapos na magkakasunod na malambat noong Setyembre 23 sina SPO4 Glenn Logan sa tahanan nito sa Binangonan, Rizal at ang itinuturong mastermind na si Supt. Jerome Mutia noong Setyembre 18 ng taong ito.

Binigyang-diin ni Santiago na ang pagkakasakote kay Tancinco ay bahagi ng programa ng PDEA na linisin ang ahensya laban sa mga scalawags. (Joy Cantos At Angie Dela Cruz)

vuukle comment

ARSENIO TANCINCO

BITOON CIRCLE

BRGY

CHIEF DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY RET

CHIEF INSP

COMMONWEALTH AVENUE

DIONISIO SANTIAGO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

PDEA

TANCINCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with