Shabu sa ari, dalaga timbog

Isang 24-anyos na dalaga ang nadakip matapos itong mahulihan ng dalawang sachet ng shabu mula sa ari habang dadalaw sa isang preso ng Pasay City Jail, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na kulungan. Kinilala ang suspect na nadakip na si Janice de Vera, nakatira sa Gloria St., E. dela Cruz, Pasay City. Ayon sa ulat, nabuko ang pagpapasok ng shabu ng suspect dakong alas-11:45 ng gabi nang dadalawin sana nito ang presong si Reynaldo Yanok na may kasong murder at mayor ng Sigue-Sigue Sputnik Gang sa nabanggit na jail. Habang nagsasagawa ng body search ang mga tauhan ng jail sa suspect ay nagduda sila sa kahina-hinalang kilos nito. Pinaghubad ng jail guard ng underwear ang suspect ngunit nag-atubili ito at sinabing may buwanang dalaw siya. Iginiit ng mga jail guard na kahit may buwanang dalaw ay iinspeksiyunin pa rin ang buong katawan nito at nang alisin ni de Vera ang kanyang underwear, nalaglag mula sa ari nito ang dalawang sachet ng shabu, na nagkakahalaga ng P500. Inamin ni de Vera na kaibigan niya si Yanok at pinabibili siya nito ng droga. (Lordeth Bonilla) 

Show comments