Sinibak na parak, huli sa entrapment
October 5, 2006 | 12:00am
Isang kasisibak pa lamang na bagitong pulis ang inaresto ng mga tauhan ng Caloocan Police matapos ang isinagawang entrapment operation sa harap ng Judicial Complex sa nasabing lungsod kahapon.
Nahaharap sa kasong extortion ang suspect na kinilalang si PO1 Rogelio Tizon, dating nakatalaga sa jail section ng Caloocan City Police headquarters.
Ang pagdakip sa suspect ay base sa naging reklamo ng isang Belen Cruz, na sinasabing hiningan ng suspect na pulis ng halagang P10,000 kapalit nang hindi nito pagdalo sa nakatakdang pagdinig sa korte hinggil sa kasong kinasasangkutan ng anak ni Cruz na may kaugnayan sa possession of illegal drugs para umano madismis ang kaso.
Sinabi ni Tizon na hindi na lamang siya tetestigo laban sa anak ni Cruz kung bibigyan siya ng nasabing halaga.
Dahil dito, agad namang humingi ng tulong si Cruz sa tanggapan ni Supt. Nap Cuaton, hepe ng Caloocan Police Investigation Division and Management Bureau kung saan inihanda ang entrapment operation.
Isinagawa ang operasyon kahapon kung saan nahulog sa bitag ng pulisya ang bagitong pulis.
Nabatid sa record na dinismis na sa serbisyo si Tizon nitong Setyembre 6 matapos na mapatunayang guilty sa kasong conduct unbecoming of a police officer. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended